Make your own free website on Tripod.com

	   "Lihim"

Simula pa lang na makita ka
Pakiramdam ko'y anong saya
At naramdamang kong mahal ka na

Kay sakit ng malamang may mahal ka na
Na darating ang panahong pakakasal ka
Bakit pa nga ba kita nakilala

Pinipilit kong iwasan ka
Pero bakit ganito ang nadarama
Lalo pa yatang minamahal ka

Ito'y isang lihim na pilit ikinukubli
Lihim na pagtingin na di mo pansin
Pagtingin na sana'y mawala din

Hanggang kailan itatago ang nadarama?
Hanggang kailan isi-siksik sa pusot' isipan
Na ikaw ay isang Kaibigan lang...


by: Sol S. Mangubat