Make your own free website on Tripod.com
    Larawan
	Noong una palang na makita ka,
	Puso ko'y anong saya.
	Mayroong kung anong saya,
	Ang aking nadama.

	Ito'y kakaiba at medyo kakat'wa.
	Akalain ko bang mamahalin ka
	Gayung larawan mo lang ang nakita,
	At kailan ma'y di pa nagkikita.

	Ako'y nalulumbay sa tuwing di ka sumusulat
	Laging nag-aalala baka napano ka na.
	Oh kay hirap ng kalagayan kong ito
	Ako'y nagmamahal sa isang estranghero.

	Ang Larawan mo'y laging pinagmamasdan
	Sa pagtulog ko'y hinahalikan
	Nag-iimahinasyon na kapiling at kayakap ka.


	by: Sol S. Mangubat